Buwan ng Wika 2019, idinaos sa PCNSHS
- Pascian Press
- Sep 8, 2019
- 1 min read
Isinulat ni: Charles Jhon Belano
Larawan mula kay: Irene Delos Nieves
Hindi naging hadlang ang maulan na panahon upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa Pasay City National Science High School. Suot ang kani-kanilang makabansang kasuotan, pumarada sa paligid ng naturang paaralan ang mga kalahok sa Ginoo at Binibining Wika 2019, ganap na alas-otso ng umaga, ika-1 ng Agosto.
Nakiisa sa parada ang mga pambato ng bawat pangkat, buong pagmamalaki nilang inirampa ang kanilang mga pinaghirapang damit. Bilang pagsuporta, sumama sa parada ang kanilang mga kamag-aral, dala-dala ang gawa nilang bahay-kubo na dinesenyuhan ayon sa probinsyang naitalaga sa kanila.
Isang misa ang inihanda sa paaralan, dinaluhan ito ng mga mag-aaral matapos ang parada agad naman itong sinundan ng isang programa. Ang naturang pagdiriwang ay pinaghandaan ng Kamfil, samahang pampaaralan sa Filipino, ang tema para sa taong ito ay “Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino”.

Comments