[FORUM] SSG Elections 2020
- Pascian Press
- Feb 17, 2020
- 2 min read
"Una, napansin ko na orderly naman at maganda na automated siya tapos ang di lang maganda ay yung space niya dahil madaming nakaharang."
- Sherman Alfred Malonzo
"Mas maayos ngayon compared last year."
- Azriel Jhoy Epong
"Maganda yung sistema pero sana lahat makaboto aged, wala nang pila para mas mabilis".
- John Robin Cubi "Madaling malaman kung sino yung binoto kaso maingay. Yung mismong botohan, 'di mo makikilala yung tao kasi walang picture."
- Jarman Rites
"Sobrang kulang sa time 'di man lang nakilala yung mga kandidato, walang debate."
- Juan Carlos Santos
"Sad kasi walang debate kasi di mo majjustify kung sino yung mga candidates sa ibang posisyon."
- Beatrize Concepcion
"Ang weird kasi mas sanay ako sa dati."
- Sjienlee Marie Delia
"Mas okay kasi nappractice yung mas malaking botohan."
- Karylle Dumrigue
"Mabagal yung proseso."
- Joshua Cardaño
"Maganda na automated para makita yung discrepancy kaya lang may internet problems, but still good kasi everyone is doing their job" - Wesley Calugay
"Siguro yung process mas maayos ngayon pero kumpara nung grade 9 kami medyo mas mabagal ngayon kasi naka google forms lang. maaaring magkaroon ng palya sa internet at mabura yung votes kung sakali."
- Simon Rohi Cuartero
"Maganda kasi mabilis ang pagboto, maganda rin yung laptop."
- Kim Aldron Veloso
"Para sa akin kasi yung sa section namin dalawa lang nakapag campaign yung isa di namin na usisa yung candidates. Kulang din yung 3 minutes na voting time, 'di namin na justify na marinig yung isang party list."
- Rafael Regaspi
"Mas convinient siya tapos mabilis yung service kasi mas mabilis yung ginamit. Siguro dinagdagan nalang yung laptops para mas mabilis na ma-accomodate ang mga students."
- Joelle Joie Cruz
"Masaya pero matagal, at bakit inabot ng hapon?"
- Isabela Manalo
"Lacking yung time na makilala sila, so it's kinda hard to choose."
- Gianna Gaviola
Comments